US aircraft carrier, handang palubugin ng North Korea

 

Nagpahayag ng kahandaan ang North Korea na palubugin ang US aircraft carrier na papalapit sa Korean peninsula upang maipakita ang kanilang kakayahang militar.

Tinutukoy ng North Korea ang USS Carl Vinson at ang strike group nito na naglalayag patungong Korean peninsula bilang tugon sa tumataas na tensyon sa naturang rehiyon.

Kasama ng USS Carl Vinson ang ilan pang support warship nito at dalawa pang Japanese navy ship na nagsasagawa ng military exercises sa Western Pacific.

Ayon sa Rodon Sinmun, ang pahayagan ng Ruling Worker’s Party ng North Korea, kayang-kaya ng kanilang bansa na lipulin ang naturang aircraft carrier sa pamamagitan lamang ng isang nuclear strike.

Samantala, sa kabila ng ipinapakitang agresyon ng North Korea, nananawagan naman ng hinahon ang China sa sitwasyon.

Sinabi ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na kinakailangangan nang maging kalmado ang bawat bansa upang hindi na tumaas pang lalo ang tensyon sa rehiyon.

Lalo pang nagpapataas ng tensyon ang pagkakadetine ng isang Korean-American sa North Korea nitong nakalipas na araw.

Sa kasalukuyan, tatlong US citizens ang nasa kustodiuya ngayon ng Pyongyang.

Read more...