Rafael Nadal, nakuha ang ika-sampung Monte Carlo Cup
Record-breaking na ang tennis superstar na si Rafael Nadal matapos nitong maipanalo sa ika-sampung pagkakataon ang Monte Carlo Masters.
Natalo ng 30-anyos na si Nadal ang kanyang nakalabang Espanyol rin na si Albert Ramos-Vinlos sa score na 6-1, 6-3, upang makuha ang kanyang ika-sampung titulo sa naturang paligsahan.
Dahil sa kanyang pagkapanalo, si Nadal ang kauna-unahang tennis player sa Open era na makakapag-uwi ng Monte Carlo Cup ng sampung ulit.
Noong 2005 hanggang 2012, nakuha ni Nadal ang sunud-sunod na titulo sa clay court.
Gayunman, naaagaw ito sa kanya ni Novak Djokovic noong 2013.
Masayang-masaya naman sin Nadal sa kanyang pinakabagong achievement sa larangan ng professional tennis.
Sa ngayon, may hawak nang 29 na Masters titles si Nadal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.