Labi ng apat na ASG na napatay sa Clarin encounter, inilibing na
Inilibing na ang labi ng apat na miyembro ng Abu Sayyaf na napatay sa pakikipagbakbakan sa puwersa ng pamahalaan sa bayan ng Clarin, Bohol kamakailan.
Sa Clarin Public Cemetery inilibing ang labi ng apat na miyembro ng Abu Sayyaf.
Ayon sa tradisyong Muslim kinakailangang mailibing ang mga namatay na Muslim sa loob ng bente-kuwatro oras kaya’t sa bayan na ng Clarin, inihimlay ang mga ito.
Kasama sa mga bangkay na inilibing sa naturang pampublikong sementeryo ang labi ng sinasabing subleader ng grupo na si Joselito Melloria.
Ayon naman kay 302nd brigade spokesperson Capt. Jojo Mascariñas, ang tatlong ASG members ay hindi pa rin nakikila.
Si Melloria ay nasawi sa unang engkwentro na naganap pasado ala-una ng hapon; habang ang tatlong miyembro ng ASG ay namatay sa ikalawang sagupaan na nangyari Sabado ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.