Napanatili ng bagyong ‘Ineng’ ang kanyang lakas habang tinatahak ang Basco, Batanes.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Meno Mendoza, weather forecaster ng PAGASA na taglay ng bagyong ‘Ineng’ ang hangin na 140 kilometers per hour at pagbugso ng 170 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyong Ineng sa north-northeast direction sa bilis na 17 kilometers per hour.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Batanes group of islands habang nakataas ang public storm warning signal number one sa mga isla ng Kalayan at Babuyan.
Ayon pa kay Mendoza, inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ineng mamayang gabi o bukas ng madaling araw.
Sa ngayon ayon kay Mendoza, walang bagong bagyo na paparating sa bansa.
Makararanas naman aniya ang Kamaynilaan at ang natitirang bahagi ng Luzon ng ulan dulot ng hanging habagat.
Pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa./Chona Yu
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.