Ilang mga delegado ng Palarong Pambansa, hinimatay habang hinihintay si Pangulong Duterte

isai

Mula sa Cebu Daily News

Hindi bababa sa sampung delegado ang nahimatay habang hinihintay ang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2017 sa sa Binirayan Sports Complex sa Antique.

Kabilang sa mga hinimatay ay mga atleta at performers, na matagal na naghintay sa open field at nababad sa matinding init ng panahon.

Agad namang rumesponde ang medical teams at nilapatan ng lunas ang mga kabataang hinimatay.

Nabatid na alas-onse ng umaga ay nagtipun-tipon na ang mga delegado mula sa labingwalong rehiyon, bago ang parada patungong sports complex.

Alas-tres ng hapon sana ang umpisa ng program, subalit 3:52 ng hapon dumating ang presidente.

Bagaman nakapayong ang marami sa mga atleta at opisyal, nakatayo lamang sila habang naghihintay sa pagdating ni Duterte.

Bawal din umano ang magpasok ang bottled water sa stadium.

Kahit may mga water dispenser sa loob, hindi raw sapat ang suplay ng tubig at walang baso o cups na inilaan kaya hindi rin makainom ang mga delegado.

Read more...