Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesperson Eric Apolonio, hindi maaaring magpalipad ng drones at private aircraft malapit sa Philippine International Convention Center o PICC, kung saan ang Luneta ang reference point.
Pangungunahan ng Pilipinas ang 30th ASEAN Summit sa PICC April 26 hanggang 29.
Ayon pa kay Apolonio, iba-ban ang pagpapalipad ng private aircrafts at drones sa lugar simula alas sais ng umaga hanggang alas ng gabi, sa nabanggit na mga petsa.
Samantala, nagkansela na ang charter airline na Air Juan ng hindi bababa sa sampung biyahe nito sa nasabing mga petsa.
Sa April 26 hanggang 29, kanselado na ang mga sumusunod na biyahe:
AO 2011 Subic to Manila
AO 2021 Manila to Puerto Galera
AO 2022 Puerto Galera to Manila
AO 2032 Manila to Busuanga
AO 2033 Busuanga to Manila
AO 2051 Manila to Boracay
AO 2052 Boracay to Manila
AO 2012 Manila to Subic
Habang sa April 28 naman ay kinansela na rin ang AO 2023 – Manila to Puerto Galera at AO 2024 – Puerto Galera to Manila.
Una nang sinuspinde ng Malacanañg ang lahat ng klase at pasok sa trabaho sa Metro Manila sa April 28.
Idineklara din ang work suspension sa April 27 sa lahat ng government offices sa Manila, Makati at Pasay.
Ayon naman sa PNP, aabot sa 18,000 na pulis ang idedeploy para tiyakin na ligtas ang mga venue ng ASEAN meetings.