Ulo ng pinugutang MNLF integree, natagpuan na

By Erwin Aguilon April 23, 2017 - 06:02 PM

 

patikul-mapNatagpuan na ang pugot na ulo at katawan ng dinukot na Moro National Liberation Front o MLNF integree ng bandidong Abu Sayyaf Group o ASG.

Ayon sa source ng Radyo Inquirer, nakita ang bangkay ng biktima sa Patikul, Sulu dakong alas-dos ng hapon.

Nagsasagawa ng search and rescue operations ang 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sitio Kan Suil, Barangay Taglibi, Patikul, nang matagpuan ang bangkay ni Staff Sergeant Anni Siraji.

Naaagnas na ang mga labi ni Siraji nang matagpuan.

Si Siraji, na isang Tausug at mula sa Sulu, ay dinukot ng ASG noong April 20 sa Igasan, Patikul, Sulu.

Dadalhin naman ang bangkay ni Siraji sa headquarters ng Joint Task Force Sulu sa Camp Teodolfo Bautista sa Jolo.

Tinutunton na rin ang mga miyembro ng ASG na nasa likod ng kidnapping at pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.