TINGNAN: Mensahe ni Sen. de Lima para sa 52nd birthday ni VP Robredo
Nagpaabot ng pagbati ang nakakulong na si Senadora Leila de Lima para kay Vice President Leni Robredo na nagdiriwang ngayong araw ng kanyang 52nd birthday.
Si Robredo ay ipinanganak noong April 23, 1965.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni de Lima na sa ngalan ng sambayanang Pilipino ay nagpapasalamat siya kay Robredo dahil sa walang kapagurang paglilingkod nito para sa bansa, sa paninidigan nito sa kanyang prinsipyo, at pamumuhay nang may ‘compassion’ at respeto sa human rights.
Ani de Lima, bagama’t pilit na sinisiraan si Robredo at ang yumaong mister nito na si Jesse dahil sa pansariling interes ng iilan, hindi raw magtatagumpay ang mga ito.
Ayon sa senadora na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte, ‘laging nagwawagi ang katotohanan laban sa kasinungalingan, ang mabuti laban sa masama, at ang mabuting adhika para sa ating bansa.’
Sina de Lima at Robredo ay kapwa miyembro ng Liberal Party o LP.
Si de Lima ay kasalukuyang nakakulong sa PNP detention facility bunsod ng mga kaso nito kaugnay sa operasyon ng ilegal na droga sa Bilibid, noong siya pa ang Justice Secretary.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.