Pwersa ng gobyerno, handang-handa na para sa 2017 ASEAN summit sa Maynila

By Isa Avendaño-Umali April 23, 2017 - 10:51 AM

 

send off 02Handang-handa na ang buong pwersa ng pamahalaan para sa mga gaganaping aktibidad kaugnay sa 2017 ASEAN summit sa Kalakhang Maynila sa mga susunod na araw.

Ngayong araw ng Linggo (April 23), nagkaroon ng send-off ceremony para sa mga pulis, sundalo at emergency crews na ipapakalat para magbantay at magbigay ng assistance para sa mga dadalo sa ASEAN summit, maging sa publiko.

Dumalo sa seremonya, na ginawa sa Quirino Grandstand sa Lungsod ng Maynila, sina Philippine National Police o PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Catalino Cuy, at Philippine Ambassador to the United States Marciano Paynor.

Sinimulan ang send-off ceremomy sa isang misa, kung saan binendisyunan ng isang pari ang mga pulis, sundalo at iba pang personnel na idedeploy para sa ASEAN summit.Send off 04

Aabot sa siyam na libong uniformed personnel ang nakibahagi sa misa.

Nagkaroon din ng fly-by ang dalawang jets ng Air Force, habang nakibahagi rin ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection o BFP na nagsaboy ng makulay na tubig.

send off 01Libu-libong tauhan mula sa security forces ng gobyerno ang inaasahang magbabantay sa ASEAN summit, na gagawin mula Miyerkules hanggang Sabado (April 26 hanggang 29) sa Philippine International Convention Center o PICC.

Naka-abang na rin ang security forces para sa pagdating sa Pilipinas ng matataas lider mula sa iba’t ibang mga bansa.

 

TAGS: #ASEAN2017, #ASEAN2017

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.