Cellphone signals puputulin sa venue ng Palarong Pambansa
Gagamit ang pamahalaan ng mga signal jammers para sa mga phone signal para sa kaligtasan ng mga manonood at delegado sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Binarayan Sports Complex sa Antique.
Karaniwang ginagamit ang cellphone bilang detonator ng mga Improvised Explosive Device (IED).
Sinabi ni Department of Education Asec. Tonisito Umali na siyang Secretary-General ng Palarong Pambansa na mahigpit na seguridad ang ipatutupad sa mga venue ng laro na magsisimula sa April 23 hanggang 29.
Bawal din ang pagpapasok ng mga backpacks pati na rin ng mga bottled water sa mga lugar ng palaro.
Si Pangulong Rodrigo Duterte ang siyang mangunguna sa pagbubukas ng nasabing sporting events bukas.
Kabilang sa mga larong kasama sa Palarong Pambansa ang arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, chess, football, gymnastics, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, tennis at volleyball.
Bagong makakasama naman sa sports events ngayong taon ang wushu, wrestling, futsal at billiards.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.