Bolahan ng jueteng ni-raid ng NBI, 44 katao arestado sa Isabela
Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 44 na mga kalalakihan nang salakayin ng mga otoridad ang isang hinihinalang jueteng safehouse sa Ilagan City, Isabela.
Hindi naman pinangalanan ang mga arestadong suspek, at maging ang may-ari ng nilusob na safehouse.
Ayon kay Atty. Timoteo Rejano, lider ng raiding team, narekober ng NBI ang samu’t saring jueteng paraphernalia at hindi pa tiyak na bilang ng pera sa bahay sa Bliss Village.
Sinabi ni Rejano na nagsilbi rin itong raffle center para sa isang online numbers game sa Cagayan Valley.
Nakaditena ang mga suspek sa Isabela Provincial Jail makaraan silang sampahan ng kaukulang mga kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.