Makaraan ang tatlong linggong sunud-sunod na dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ngayon naman ay may magaganap na price rollback ayon sa ilang insider sa oil industry.
Nauna nang sinabi ng Department of Energy na posible ang P0.30 na bawas presyo sa kada litro ng gasolina, diesel at kerosene o gaas sa papasok na linggo.
Sinabi ni DOE Spokesman Felix Fuentebella na pwede pa ring maiba ang nasabing halaga depande sa naging assessment ng mga oil companies sa naganap na trading sa nakalipas na ilang mga araw.
Labis umanong nakaka-apekto sa lokal na presyo ng produktong petrol ang dagdag na mga drilling activities sa U.S at ang pagkontrol ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) sa halaga nito sa world market.
Inaasahan naman sa sa araw ng Martes ipatutupad ang nasabing price rollback.