Pag-aarmas sa sibilyan laban sa Abu pwede ayon kay FVR

inabanga-bohol
Inquirer file photo

Pabor si dating Pangulong Fidel Ramos sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pag-aarmas sa mga sibilyan kontra sa Abu Sayyaf.

Sinabi ng dating pangulo na dati ring pinuno ng Philippine Constabulary na noong panahon ni dating Pangulong Ramon Magsaysay ay nabuho ang Barangay Defense Unit na sinunda ng Civilian Home Defense Force at Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU).

Ang nasabing mga grupo umano ang nakatuwang ng pamahalaan sa pagsugpo sa mga kalaban ng estado.

Sa naging panukala ni Duterte, sinabi ni Ramos na baka naiinip na ang pangulo dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin madurog ang Abu Sayyaf Group sa kabila ng kampanya laban dito ng pamahalaan.

Noong nakaraang Miyerkules ay nag-alok rin ang pangulo ng tig-P1 Million na patong sa bawat kasapi ng bandidong grupo na lumusob kamakailan sa Inabanga Bohol.

Read more...