Nakalaya na ang opisyal ng Philippine National Police na na-aktuhang gumagamit ng iligal na droga sa Las Piñas City noong isang buwan.
Pinakawalan si Supt. Lito Cabamongan ng PNP Crime Laboratory sa utos na rin ng Las Pinas City Regional Trial Court.
Napiit si Cabamongan matapos kasuhan ng paglabag sa section 13 possession of dangerous drugs during parties and meetings, (non-bailable); section 14 possession of paraphernalia, equipment, instruments of drugs (bailable); at section 15 use of dangerous drugs (bailable) of Republic Act 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pulis ay nahulihan ng mga drug paraphernalia at iba pang gamit sa iligal na droga.
Downgraded din ang kasong kinakaharap ni Cabamongan at pinayagang magpiyansa.
Noong March 30 nang mahuli ang pulis at naging positibo din ito sa pag-gamit ng shabu.
Si Cabamongan ang pinuno ng PNP Crime Laboratory sa Alabang ay naka-assign ngayon sa holding center ng nasabing crime laboratory sa loob ng Camp Crame.
Bukod sa kasong kriminal, nahaharap din ang pulis sa kasong administratibo sa PNP Internal Affairs Service (IAS).