Duterte nagbigay ng tulong sa mga biktima ng naaksidenteng bus sa Nueva Ecija
May ipinabot na pinansyal na tulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biktima ng nahulog na bus sa Carranglan sa Nueva Ecija kamakailan.
Aabot sa 32 katao ang nasawi habang 40 ang sugatan sa nasabing aksidente.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Spokesperson Aileen Lizada, tig-P20,000 ang inisyal na tulong ng pangulo sa mga nasawi habang tig-P10,000 naman para sa mga nasugatan.
Ipinaliwanag ni Lizada na idinaan ng pangulo ang pinansyal na ayuda kay LTFRB Chairman Martin Delgra.
Tiniyak rin ng LTFRB na mananagot sa batas at magmumulta ang operator ng naaksidenteng bus sa Nueva Ecija.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.