Consolidation sa mga kaso ni De Lima hindi pinagbigyan ng hukuman

By Den Macaranas April 22, 2017 - 08:59 AM

De Lima SmileIbinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court ang hirit ng Department of Justice na pagsamasamahin na lang sa iisang sala ang mga kasong nakasampa laban kay Sen. Leila De Lima.

Hindi pinagbigyan ni Muntinlupa RTC Branch 204 Judge Juanita Guerrero ang motion for consolidation na inihain ng prosekuyon na inihain noong February 27.

Si De Lima ay nahaharap sa kaso kaugnay sa umano’y illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons noong siya pa ang kalihim ng DOJ.

Ilan sa mga kaso ni De Lima ang nakatakdang dinggin sa Muntinlupa RTC Branches 205, 205 at 206.

Ang unang hearing sa Branch 205 ay gaganapin sa June 30.

Nauna dito ay sinabi ng kampo ng mambabatas na naniniwala silang maibabasura lamang ang mga kaso laban kay De Lima dahil mahina ang mga ebidensiyang hawak ng panig ng prosekusyon.

TAGS: de lima, DOJ, Illegal Drugs, Muntinlupa RTC, de lima, DOJ, Illegal Drugs, Muntinlupa RTC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.