Pansamantalang nagpatupad ng fishing ban sa dagat na sakop ng Samar hanggang buwan ng Hulyo.
Ayon kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino, na pinuno rin ng Samar Sea Alliance, kailangan nilang magpatupad ng fishing ban dahil kumakaunti na ang isda sa kanilang dagat.
Una nang nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng Calbayog City ng resolusyon para makontrol ang pag-huli at pagbebenta sa ilang mga uri ng isda, tulad na lamang ng galunggong.
Naglaan na rin ng P2 milyon ang lokal na pamahalaan upang mabigyan ng bangkang de motor at iba pang kagamitan upang itigil na ng mga mangingisda ang paggamit ng dinamita.
Sa pamamagitan ng fishing ban na ito, mabibigyan ng pagkakataon ang mga isda na muli pang makapagparami at makapagpalaki.
Lumabas kasi sa isang pag-aaral na matindi ang naging pagkabawas sa mga pinagkukunang yaman sa dagat dahil sa pagka-kalbo na rin ng mga bundok na nakapaligid dito.
Gumuguho kasi ang lupa at bumabagsak sa tubig, kaya naaapektuhan na rin ang mga coral reefs na tinitirhan ng mga isda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.