Ayon kay Woods, naging maayos naman ang kinalabasan ng nasabing surgery, at positibo siyang mababawasan nito ang nararanasan niyang back spasms.
Pangkaraniwang umaabot ng anim na buwan ang recovery period sa ganitong operasyon.
Dahil dito, malaki ang posibilidad na hindi na siya makakalahok sa natitirang bahagi ng PGA Tour season, maging sa mga laban sa Presidents Cup.
Unang inoperahan si Woods sa likod noong 2014, na sinundan pa ng dalawang surgeries noong 2015.
Ayon pa kay Woods, oras na tuluyan na siyang gumaling, inaasahan niyang makakabalik na siya sa normal na pamumuhay kabilang na ang pakikipaglaro sa kaniyang mga anak, at muling pagsabak sa professional golf nang walang iniindang karamdaman.