Inanunsyo ng tanyag na golfer na si Tiger Woods na sumailalim na siya sa kaniyang ika-apat na surgery sa likod upang mabawasan ang sakit na nararamdaman niya sa bahaging ito ng kaniyang katawan.
Ayon kay Woods, naging maayos naman ang kinalabasan ng nasabing surgery, at positibo siyang mababawasan nito ang nararanasan niyang back spasms.
Pangkaraniwang umaabot ng anim na buwan ang recovery period sa ganitong operasyon.
Dahil dito, malaki ang posibilidad na hindi na siya makakalahok sa natitirang bahagi ng PGA Tour season, maging sa mga laban sa Presidents Cup.
Unang inoperahan si Woods sa likod noong 2014, na sinundan pa ng dalawang surgeries noong 2015.
Ayon pa kay Woods, oras na tuluyan na siyang gumaling, inaasahan niyang makakabalik na siya sa normal na pamumuhay kabilang na ang pakikipaglaro sa kaniyang mga anak, at muling pagsabak sa professional golf nang walang iniindang karamdaman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.