PhilHealth nagbabala sa mga OFW laban sa mga pekeng resibo

By Rod Lagusad April 21, 2017 - 11:45 PM

philhealthBinalaan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) partikular ang mga Overseas Filipino Wokers (OFW) laban sa mga pekeng official receipts ng premium contribution payments na umiikot sa ilang parte ng bansa.

Ayon sa ulat na nakarating sa PhilHealth na may mga recruitment agencies ang nag-iisyu ng mga pekeng PhilHealth Official Receipts (PORs) sa mga OFW bilang bahagi ng pagproseso ng kanilang mga dokumento.

Dahil dito, naglabas ng abiso ang PhilHealth na nagpapaalala sa publiko namaging mapagmatiyag laban sa mga pekeng POR.

Tanging ang PhilHealth Regional at Local Health Insurance Offcies ang otorisadong mag-isyu ng POR.

Patuloy ang management ng PhilHealth kasama ang POEA at iba pang mga concerned offices na mas lalong paigtingin ang kampanya laban sa mga mapapatunayang guilty sa mga nasabing ilegal na gawain.

TAGS: ofw, philhealth, POEA, ofw, philhealth, POEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.