P1.6B, inilaan ng pamahalaan para sa pagpapaunlad ng Pag-asa Island

By Ruel Perez April 21, 2017 - 08:52 PM

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si DND Sec. Delfin Lorenzana na bisitahin ang Pag-asa Island, municipality ng Kalayaan, Palawan, upang inspeksyon ang isla para mga ikinakasang proyekto.

Ayon kay Sec. Lorenzana, may nakalaan ng 1.6 bilyong pisong budget para sa pagpapagawa at improvement ng isla

Ayon kay Lorenzana, uunahin na ipagawa ang beach ramp na landingan ng mga barko para na rin sa supplies ng mga sundalo na nagbabantay sa isla at mga residente.

Plano rin na ipagawa ang runway ng Pag-asa na hindi magamit at isinasara kapag pumatak ang ulan.

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Paliwanag ni Lorenzana, gusto umano ni Duterte na makapasok at makabisita maging ang mga turista sa isla na inookupa ng karamihan ay mga sundalo at kakarampot na mga sibilyan.

Magdadagdag din ng iba pang pasilidad ang gobyerno para naman madevelop o mapag-ibayo ang marine research.

Maliban dito, aayusin na rin ang sewage system sa isla para maging maayos umano ang disposal ng dumi ng tao at hindi itapon na lamang sa dagat.

Ipapagawa at pagagandahin din ng pamahalaan ang tirahan ng mga sundalo.

TAGS: China, Delfin Lorenzana, DND, Pag-Asa Island, Rodrigo Duterte, China, Delfin Lorenzana, DND, Pag-Asa Island, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.