Pagnanakaw ng 3 myembro ng BIFF, nauwi sa engkwentro sa Sulu
Patay ang tatlong hinihinalang myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), nang makaengkwentro ang militar sa Pikit, North Cotabato.
Isa sa mga ito ay isang pugante mula sa jailbreak sa North Cotabato District Jail sa noong Enero.
Kinilala ang mga nasawing myembro ng BIFF na sina Tarzan Buntasil, Kensem Dungandong at Rusman Salik Mohammad.
Ayon kay Chief Inspector Donald Cabigas, hepe ng pulisya ng Pikit, naganap ang bakbakan matapos nakawin ng mga suspek ang dalawang baka na pag-aari ng dalawang myembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU).
Tinugis ng mga myembro ng CAFGU ang tatlong myembro ng BIFF na nauwi sa dalawang oras na bakbakan.
Narekober naman sa mga nasawing suspek ang ilang matataas na kalibre ng armas.
Samantala, ayon sa kapitan ng Barangay Bualan na si Ali Piang, nakabalik na sa kani-kanilang bahay ang mga residenteng lumikas matapos ang engkwentro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.