Pinaalahanan ng Food and Drugs Administration ang mga magulang na suriin mabuti ang mga inflatable aquatic toys para sa kanilang mga anak.
Ipinalabas ng ahensiya ang paalala dahil sa inaasahang pagdagsa ng ating mga kababayan sa mga beaches at pool resorts ngayon panahon ng tag-init.
Ipinaalala ng mga magulang na hindi maituturing na ligtas talaga ang mga inflatables dahil maaring aksidenteng sumingaw ang hangin nito at malagay sa peligro ang bata.
Kailangan na may nakabantay na matanda sa mga bata na gumagamit ng inflatable toys.
Kailangan na akma ang mga laruan sa edad at bigat ng gumagamit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.