Malakanyang, umalma sa ginawang profile ng Time Magazine kay Sen. Leila De Lima

By Chona Yu April 21, 2017 - 08:55 PM

de limaPumalag ang palasyo ng Malakanyang sa pagkakasama kay Senator Leila de Lima bilang isa sa isandaang most influential list ng Time Magazine.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi kasi isinama sa profile ng Time Magazine na nakulong si De Lima dahil sa kasong drug trafficking.

Isang independent court aniya ang nakakita ng probable cause para sampahan ng kasong criminal si De Lima dahil sa paglabag sa anti illegal drugs law.

Ayon kay Abella, hindi naman nakulong si De Lima dahil lamang sa pambabatikos sa anti drug war campaign ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa artikulo ng Time Magazine na isinulat ni dating United States Ambassador to the United Nations Samantha Power na ang pagkakakulong kay De Lima ay isang disturbing testament na kumukontra sa mga strongmen gaya ni Pangulong Duterte.

TAGS: Ernesto Abella, leila de lima, Malakanyang, TIME magazine, Ernesto Abella, leila de lima, Malakanyang, TIME magazine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.