(UPDATED) April 27-28, idineklarang walang pasok sa trabaho; Klase sa Metro Manila, supendido rin sa April 28

Kuha ni Chona Yu
Kuha ni Chona Yu

(UPDATED) Nagdeklara ang Malakanyang ng walang pasok sa mga opisina ng gobyerno sa April 27 araw ng Huwebes sa Maynila, Makati at Pasay City.

Nakasaad sa memorandum circular number 18 na ipinalabas ng palasyo, ito ay para sa ASEAN Summit and related meetings na gaganapin sa PICC at CCP Complex.

Ipinaubaya naman ng Malakanyang sa pribadong sektor kung papapasukin ang kanilang mga empleyado sa April 27 sa tatlong nabanggit na mga syudad.

Pero sa April 28 araw ng Biyernes, idineklara ng palasyo nawala din pasok para sa government at private offices sa buong Metro Manila.

Kaugnay nito, sinuspinde rin ang lahat ng klase sa Metro Manila sa April 28 kaugnay pa rin ng ASEAN Summit.

Samantala, ipinaubaya ng palasyo sa mga apektadong local government units ang desisyon kung magsususpinde ng trabaho sa April 29 araw naman ng Sabado.

Read more...