MMDA, nagsagawa ng clearing operation sa mga sidewalk sa Baclaran
Nagsagawa ng clearing operations ang MMDA sa mga sidewalk ng Baclaran sa Parañaque City.
Nasampolan ang mga sasakyan na iligal na nakaparada sa kahabaan ng service road mula C. Rivera Street sa Baclaran hanggang sa kanto ng EDSA.
Isinagawa ng MMDA Anti-Illegal Parking and Sidewalk Clearing Operations Team ang pag-tow sa mga illegally parked vehicles.
Nasa apatnapung towing trucks ang pinadala ng MMDA sa lugar kaya tinanggal ang lahat ng obstruction sa service road.
Matapos ang clearing operation ay maluwag na sa Baclaran kung saan dating naglipana ang mga illegal vendors lalo na sa mga sidewalks.
Ayon kay MMDA Chairman Tim Orbos, plano nilang linisin ang kabuuan ng service road mula Baclaran hanggang Kalaw.
Hindi anya kukunin ang mga paninda ng mga tindero pero paaalisin sila sa lugar.
Bukod dito ay ipinagbawal din ang mga terminal sa Baclaran at magkakaroon ng designated area para sa sakayan at babaan ng mga pasahero.
Oras na makumpleto ang clearing operations, makakaasa ang mga motorista ng four-lane service road.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.