Impeachment complaints, hindi susuportahan ng Liberal Party

By Rohanisa Abbas April 21, 2017 - 11:28 AM

Liberal partyHindi susuportahan ng mga kongresista mula sa Librel Party (LP) ang anumang impeachment complaint laban sa mga lider ng bansa.

Ayon kay Deputy Speaker Romero Quinmbo, napagkasunduan ito ng LP sa pagpupulong ng partido kahapon kasama ang 15 kongresista. nito,

Ayon sa LP, magiging abala lamang ang impeachment complaints sa iba pang usapin na mas dapat na pagtuunan ng pansin ng Kamara.

Aniya lalo lamang mahahati ang Mababang Kapulungan.

Ipinahayag din ng partido ang mariing suporta nito sa pangulo ng LP na si Vice President Leni Robredo.

Matatandaang noong Marso, inihain ni Magdalo Partylist Represenative Gary Alejano ang impeachement complaint sa Kamara laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nauna na ring pinahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na pinag-aaralan niya ang paghahain ng impeachment complaint laban kay Robredo.

 

TAGS: gary alejano, Impeachment complaint, Leni Robredo, Librel Party, Pantaleon ALvarez, Rodrigo Duterte, Romero Quinmbo, gary alejano, Impeachment complaint, Leni Robredo, Librel Party, Pantaleon ALvarez, Rodrigo Duterte, Romero Quinmbo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.