Lumikas na 500 pamilya sa Bohol, pinagsisilbihan ng DSWD

By Jan Escosio April 21, 2017 - 11:18 AM

BOHOL MAPBunsod nang patuloy na pursuit operations ng AFP at PNP sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group, apektado na ang 51 barangay sa apat na bayan sa Bohol.

Ayon kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo, umaabot na sa 518 pamilya o 2,461 indibidwal ang kanilang pinagsisilbihan sa walong evacuation centers.

Aniya may hiwalay pang 113 pamilya na nanunuluyan sa kanilang mga kaanak ang may suplay din ng family food packs.

Dagdag pa ni Taguiwalo, patuloy ang kanilang pag-monitor sa sitwasyon para tiyakin na walang inosenteng sibilyan ang mapapagbintangan na miyembro o tagasuporta ng bandidong grupo.

Katuwiran ng kalihim, may mga pagkakataon na pinagbibintangang Abu Sayyaf Member ang ilang magsasaka sa lalawigan at nagkakaroon na ng paglabag sa karapatang pantao.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, Bohol, dswd, judy taguiwalo, PNP, Abu Sayyaf, AFP, Bohol, dswd, judy taguiwalo, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.