2 armadong kalalakihan, namataan sa Olango, Cebu

By Rohanisa Abbas April 21, 2017 - 11:09 AM

olango island cebuSinuyod ng militar ang isla ng Olango sa lalawigan ng Cebu matapos mamataan ang dalawang armadong lalaki, dakong alas-2:00 kahapon.

Ayon kay Chief Insp. Miguel Andesa, hepe ng pulisya ng Olango, nakatanggap ng ulat ang pulisya mula sa isang residente na umano’y namataan niya ang dalawang armadong lalaki.

Nakatakip ang mukha ng mga ito at naglalakad sa tabing-dagat ng Barangay San Vicente, bitbit ang mahahabang armas.

Rumesponde naman ang mga pulis at militar sa lugar, at nakarinig ng anim na putok na hinihinalang mula sa mga armas.

Ayon kay Andesa, magandang hideout ang lugar dahil puno ito ng bakawan at puno ng niyog.

Gayunman, hindi pa makumpirma ng mga opisyal ang presensya ng mga armadong kalalakihan sa lugar at kung mga bandidong ang mga ito.

Patuloy namang binabantayan ng mga otoridad sa Olango Island.

Matatagpuan ang isla ng Olango sa layong 26 na kilometro sa hilaga ng Inabanga, Bohol.

Matatandaang naalarma ang mga residente makapasok sa lalawigan ng Bohol walong myembro ng Abu Sayyaf group na nakaligtas sa pakikipagbakbakan sa militar sa Inabanga noong April 11.

TAGS: Bohol, cebu, Inabanga, Olango, Bohol, cebu, Inabanga, Olango

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.