Joint Economic Commission agreement, sentro ng pulong ng Pilipinas sa Vietnam at Russia

By Rod Lagusad April 21, 2017 - 11:57 AM

vietnam, philippines russia flagsMagkakaroon ng hiwalay na pulong ang Pilipinas sa Vietnam at Russia sa susunod na linggo para pag-usapan ang posibleng paglagda sa Joint Economic Commission (JECs) agreement.

Ayon kay Trade Undersecretary Ceferino Rodolfo ang nasabing JEC sa Vietnam ay napakaimportante dahil aniya maaring magbigay ito ng advantage sa free trade agreement (FTA) nito sa European Union at sa partisipasyon nito sa Trans-Pacific Partnership (TPP) Agreement.

Aniya kasama ang ang JEC sa Vietnam ay kasama sa VIP (Vietnam, Indonesia at Pilipinas) strategy sa rehiyon kung saan layong palakasin ang economic cooperation ng tatlong ASEAN member states.

Sa kabilang banda, ang JEC naman sa Russia ay sesentro sa kooperasyon sa mga sektor ng imprastraktura, enerhiya, high-technology industries at aerospace.

Dagdag pa ni Rodolfo na handa ang Russia na bumili ng 2.5 billion US dollars na halaga ng mga produktong pang-agrikultura sa Pilipinas.

Nitong Enero lang ay nagkaroon ng bilateral meeting si Rodolfo kay Russian Deputy Minister of Economic Development Alexander Tsybulskiy kung saan napag-usapang JEC sa pagitan ng dalawang bansa.

TAGS: Ceferino Rodolfo, Joint Economic Commission, Russia, Vietnam, Ceferino Rodolfo, Joint Economic Commission, Russia, Vietnam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.