Sec. Lopez, handang makipagtulungan sa NPA

By Rod Lagusad April 21, 2017 - 07:48 AM

Gina LopezHandang makipagtulungan si Environment Secretary Gina Lopez sa New People’s Army (NPA) sa paglinang ng Agusan del Sur bilang “ecological, economic, educational” zone.

Ayon kay Lopez, tinitingnan niya ang Agusan del Sur, na lubos na nakinabang mula sa pagmimina pero unang ita-transform sa “E3” zone ang mga lugar na kontrolado ng mga rebelede.

Naglaan ang DENR ng anim na bilyong piso para sa pagkakaroon ng mga E3 zones sa buong bansa.

Positibo si Lopez na maalis ang kahirapan sa lalawigan sa pagkakaroon ng 50 milyong piso na social development and management program (SDMP) fund na inilalaan ng mga mining firms sa lugar ng kanilang mga operasyon.

Aniya nakausap na niya si Pangulong Rodrigo Duterte kung maari siyang makipagtulungan sa NPA.

Dagdag pa ni Lopez, na sa huli ay hindi uunlad ang lugar kung patuloy ang kaguluhan.

TAGS: agusan del sur, DENR, E3 Zone, gina lopez, NPA, agusan del sur, DENR, E3 Zone, gina lopez, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.