National Hijab Day, aprubado na sa House committee

By Rod Lagusad April 21, 2017 - 06:48 AM

hijabAprubado na ng House Committee on Muslim Affairs ang panukalang pagdedeklara sa February 1 bilang National Hijab Day.

Ayon kay Committee Chair Rep. Sitti Djalia Turabin-Hataman, may-akda ng nasabing panukala, ang Hijab ay bahagi ay bahagi na ng pamumuhay ng mga babaeng Muslim.

Aniya nakasaad sa Qur-an na dapat pangalagaan ng bawat babaeng Muslim ang kanilang kalinisang-puri at kababaang loob.

Nakasaad sa House Bill 968 na ang Hijab ay isang belo na tumatakip sa ulo at dibdib na partikular na sinusuot ng mga babaeng Muslim pagkatapos ng kanilang puberty age sa harap ng mga lalaking hindi nila kapamilya.

Layon ng panukala na hikayatin ang lahat ng mga babae na maranasan ang pasusuot nito at maalis ang misconception na ikinakabit dito.

Umaasa si Hataman na dahil dito, ang mga babaeng hindi Muslim ay magkakaroon ng mas malalim na pag-intindi sa kanilang tradisyon.

Pangungunahan ng National Commission on Muslim Filipinos ang pagtataguyod dito at maging ang mga aktibidad kaugnay ng selebrasyon.

Hango ang National Hijab Day sa World Hijab Day na itinatag ni Nazma Khan na unang ginunita noong ay February 1, 2013.

TAGS: Hijab, National Hijab Day, Qur-an, World Hijab Day, Hijab, National Hijab Day, Qur-an, World Hijab Day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.