Enrile, nilaglag na sa listahan ng ‘behest loans’ case
Tuluyan nang inalis ng Sandiganbayan ang pangalan ni dating Senador Juan Ponce Enrile sa listahan ng mga kinasuhan sa multi-billion pisong forfeiture suit na layon sanang mabawi ang mga ‘behest loans’ na nakuha ng negosyanteng si Eduardo ‘Danding’ Cojuangco Jr. mula kay dating pangulo Ferdinand Marcos.
Sa anim na pahinang resulosyon, tuluyan nang ibinabasura nito ang apela ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na naglalayon sanang baligtarin ang 2004 decision ng Sandiganbayan Second Division upang mabawi ang nasa P670 milyon na ipinautang noon ng gobyerno kay Cojuangco may 36 na taon na ang nakalilipas.
Sa desisyon, inihayag ng Second division na nabigo ang pamahalaan na ipaliwanag ang naging partisipasyon ni Enrile sa naturang mga transaksyon mula sa Development bank of the Philippines at Philippine tourism Authority.
Wala rin aniyang spesipikong alegasyon na tinutumbok ang inihaing complaint ng PCGG laban sa dating senador.
Sinisi rin ng Sandiganbayan ang PCGG at ang Office of the Solicitor-General dahil sa nabigo ang mga itong tukuyin ang direktang partisipasyon ni Enrile sa kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.