Malacañang, sisikapin huwag maaalis sa listahan ng World Heritage site ang Mt. Hamiguitan

August 22, 2015 - 05:30 PM

pamana- fileGagawin ng pamahalaan ang makakaya nito upang hindi maaalis sa listahan ng United Nations Educational Scientific and Cultural Organization (Unesco) World Heritage Site ang Mt. Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary.

Ito ay kaugnay sa bantang maaalis ang Mt. Hamiguitan na isang protected area sa nasabing listahan dahil sa pagkamatay ng tatlong taong gulang na Philippine Eagle na si Pamana sa nasabing lugar dahil sa tama ng bala.

Ayon kay Deputy President Spokesperson Abigail Valte, ginagawa na ng Department of Environment and Natural Resources ang lahat ng nararapat para maresolbahan ang isyu sa pagkamatay ni Pamana.

Aniya, sa kaniyang pagkakaalam ay naglabas na ng pabuya ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa malaman na sa wakas ang tunay na nangyari kay Pamana.

Una dito, binatikos ng Kalikasan People’s Network for the Environment (Kailkasan PNE) ang pagsasa-walang bahala ng pamahalaan sa mga conservation efforts.

Mt. Hamiguitan Range Wildlife Sanctuary ay idineklarang kasama sa listahan ng World Heritage list ng UNESCO noong 2014 dahil sa pagiging “critical habitat” nito sa maraming mga species ng mga halaman at hayop na parehong endangered at endemic sa ating bansa./Kathleen Betina Aenlle

TAGS: abigail valte, DENR, pamana, philippine eagle, unesco, world heritage site, abigail valte, DENR, pamana, philippine eagle, unesco, world heritage site

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.