Secretary Gina Lopez kinampihan ni Pangulong Duterte na maging ‘mining free’ ang Pilipinas

 

Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang adbokasiya ni Environment Secretary Gina Lopez na maging ‘mine free’ ang Pilipinas.

Gayunman, aminado ang pangulo na hindi maaring maipatupad ang balak ni Lopez dahil may umiiral na mining law sa bansa.

Sa ilalim ng mining law, pinapayagan ang pagmimina basta’t magiging responsable lamang ang mga kompanya at pangangalagaan pa rin ang kalikasan.

Ayon sa pangulo, kinakailangan na amyendahan muna ang batas kung susundin ang kagustuhan ni Lopez na maging ‘mining free’ ang bansa..

Dismayado ang pangulo na dahil sa mga iresponsableng mining companies dahil marami sa kabundukan sa Davao hanggang sa Agusan at Surigao ang nakalbo na.

Read more...