Coast Guard, nagdeploy ng dagdag na puwersa sa Bohol
Nagtalaga ng karagdagang pwersa ang Philippine Coast Guard sa karagatan ng Bohol upang magbigay seguridad kasunod ng pagpasok ng Abu Sayyaf Group sa isla.
Ayon kay Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo, nagpapatrolya na ngayon sa karagatan ng Bohol ang BRP San Juan, BRP Malapascua , 2 maritime control surveillance vessel, ,1 small patrol craft at 9 na aluminum boat.
Layunin anya nito na magbigay ng seguridad sa Asean meeting sa Bohol bukod pa sa mga turistang dumadagsa doon.
Kasama na rin dito ang pagtugis sa mga natitira pang miyembro ng Abu sayyaf group na pumasok sa isla.
Mahigpit na binabantayan ng mga tauhan ng PCG ang pumapasok at lumalabas na mga bangka sa isla ng Bohol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.