Kontrobersiyal na firetruck deal, tuloy pa rin

By Chona Yu April 21, 2017 - 04:22 AM

 

abellaTuloy pa rin ang pagbili ng Department of Interior and Local Government ng pitong bilyong pisong halaga ng Rosenbauer Firetruck sa Austria.

Ito ay kahit na sinibak na ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Interior and Local Government Secretary Ismael ‘Mik’e Sueno dahil kwestyunableng kontrata.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, perpekto ang nasabing kontrata.

“The Department of Interior and Local Government (DILG) firetruck deal will proceed. It is a perfected contract and there is no temporary restraining order (TRO) that prevents its implementation.” Pahayag ni Abella.

Paliwanag pa ni Abella, wala namang temporary restraining order na inilalabas ang korte para pigilin ang pagbili ng mga fire truck.

Una rito, humihirit si dating Congressman Jonathan Dela Cruz ng Abakada partylist at tagapagsalita ni dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ng TRO sa Supreme Court para harangin ang pagbili ng dilg ng mga mamahaling firetruck.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.