Davao Death Squad, nasa Metro Manila na

By Mariel Cruz April 21, 2017 - 04:30 AM

 

Nasa Metro Manila na ang hindi batid na bilang ng sibilyan na umano’y miyembro ng Davao Death Squad (DDS) at katulong na ng Philippine National Police sa pagpapatupad ng war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang nakasaad sa isang unofficial report ukol sa extrajudicial killings (EJKs) ng mga drug suspek na isinulat ng isang retired police intelligence officer noong buwan ng Enero.

Batay sa report, ang tinaguriang DDS ay pinalitan na, at ngayon ay tinatawag na umano itong ‘Presidential Death Squad’.

Sinabi din sa naturang report na mismong si Pangulong Duterte ang nagpahintulot ng pagdedeploy sa DDS sa National Capital Region noong Hulyo ng nakaraang taon.

Mismong ang PNP aniya ang gumagawa ng mga pagpatay, at hindi ang mga vigilante group.

Ipinaliwang din sa naturang report ang umano’y pagkahumaling ni Duterte sa pagpatay ng mga drug suspek dahil na rin aniya sa paniniwala nito sa “social cleansing”.

Tinatayang aabot na sa walong libong drug suspek ang napatay, karamihan ay sa Metro Manila, nang simulan ang war on drugs ni Pangulong Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.