De Lima, kabilang din sa ‘100 Most Influential People’ ng TIME

 

Inquirer file photo

Hindi lamang si Pangulong Rodrigo Duterte ang Filipino na napabilang sa listahan ng ‘100 Most Influential People’ ng TIME Magazine.

Si Sen. Leila De Lima, na kilalang kritiko ni Duterte, ay kabilang din sa naturang listahan, kung saan kasama siya sa ‘Icons of the world’.

Kilala si De Lima na tahasang nambabatikos paraan ng pamumuno ni Duterte sa bansa, partikular na sa kanyang war on drugs kung saan libu-libo na ang napapatay na drug suspek.

Bukod dito, noon pa man ay inimbestigahan na ni De Lima ang umano’y koneksyon ni Pangulong Duterte sa Davao Death Squad noong siya pa ang alkalde dito.

Pero binuweltahan ito ni Duterte kung saan inakusahan niya si De Lima na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa Bilibid noong siya ang kalihim ng Justice Department.

Noong Pebrero, inaresto at kinulong si De Lima dahil sa kasong trafficking kahit pa paulit ulit na nitong itinanggi ang naturang alegasyon.

Read more...