Mga natulungang pasyente ng PCSO, mas mataas nang 9,000 sa 1st quarter ng 2017
Mas mataas nang mahigit 9,000 ang mga pasyenteng natulungan ng Philippine Charity Sweepestakes Office (PCSO) sa first quarter ng taon.
Batay sa tala ng PCSO, 38,685 na pasyenteng na-ospital ang binigyang ayuda ng ahensya mula January hanggang March 2017, kumpara sa 29,602 na pasyenteng natulungan nito sa parehong panahon sa nakalipas na taon.
Ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan, 781 milyong piso ang inilaang pondo ng ahensya para sa medical assistance. Sinabi ni Balutan na bahagi ito ng programang libreng gamot ni Pangulong Rodrigo Dutrete, partikular na para sa mga nangangailangan ng agarang tulong.
Maliban dito, gumugol ang PCSO ng 365 milyong piso para sa chemotherapy, at mahigit 13 milyong piso para sa dialysis.
Ayon kay Balutan, palalawigin pa ng PCSO ang ayuda nito para sa mga nangangailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.