Ito ay para sana sa kanyang kasong graft kaugnay sa umano’y pagpayo ni Devanadera sa Philippine National Construction Corporation na pumasok sa maanomalyang settlement agreement na nagkakahalaga ng 6.1 billion pesos.
Personal na nagtungo si Devanadera sa korte ngayong Huwebes para sana sa kanyang arraignment.
Pero kinansela ang pagbasa ng sakdal dahil may nakabinbin pang motion for reconsideration ang kampo ni Devanadera.
Gayunman, nag-manifest ang mga abogado ni Devanadera na iwi-withdraw na lamang ang MR at sa halip ay maghahain ng motion to quash the information.
Sa June 08 itinakda ng 1st division ang arraignment ni Devanadera.
Batay sa reklamo ng Office of the Ombudsman, si Devanadera ang nagsilbing government counsel ng PNCC, na isang government owned and controlled corporation.
January 26, 2006 at February 10, 2006 nang sumulat si Devanadera para irekumenda na pumasok ang PNCC sa amicable settlement sa pagitan ng Radstock Securities Limited, na nagdemanda naman kinalaunan.
Giit ng Ombudsman, walang kapangyarihan ang board ng PNCC na pumasok sa compromise settlement.