Isa sa mga akusado sa kaso ni Jee Ick Joo, pinalaya na ng korte
Iniutos na ng Angeles Regional Trial Court ang paglaya ni Ramon Yalung, isa sa mga akusado sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Iyan ay matapos i-absuwelto nina SPO4 Roy Villegas, SPO3 Ricky Sta Isabel at Jerry Omlang si Yalung sa pagpatay kay Jee.
Noong Abril 17 naghain ang DOJ ng amended information kung saan inalis na bilang akusado sa kaso si Yalung.
Dahil dito, inabswelto ng DOJ panel of prosecutors si Yalung mula sa krimen na inaprubhan ng mababang hukuman.
Miyerkules nang muling nagdaos ng pagdinig ang Angeles RTC Branch 58, dalawang buwan matapos nitong iutos ang reinvestigation sa kaso.
Tatlong buwan din na nakulong si Yalung sa Angeles City District Jail dahil sa pagdawit sa kanya ng kasambahay ni Jee na si Marisa Morquicho.
Samantala, ipinagpaliban naman ng korte sa May 31 ang pagbasa ng sakdal kina Sta Isabel at Villegas na pawang mga orihinal na akusado sa kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.