Ikalawang Barko ng Russia, dumaong sa Maynila
Isa na namang barkong pandigma ng Russia ang dumating sa bansa.
Dumaong kaninang umaga (April 20) sa Pier 15, South Harbour sa Maynila ang Russian Pacific fleet na Varyag. Isa itong Guided Missile Cruiser at large sea tanker Pechenga.
Apat na araw mamalagi sa bansa ang nasabing barko para sa friendly visit.
Bahagi ito ng pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at ng bansang Russia gayundin upang isulong ang kapayapaan sa rehiyon.
Ang Varyag ang ikatlong barko na Slava-class na ginawa para sa Soviet Navy na ngayon ay nagsisilbi sa Russian Navy.
Armado ang nasabing barko ng anti-ship, anti-aircraft at anti-submarines missiles and gun systems.
Hindi ito ang unang pagkakataon na dumaong ang isang Russian warship sa Pilipinas sa ilalim ng Administrasyong Duterte. Matatandaang noong Enero, dalawang barkong pandigma ng Russia ang dumating sa bansa para sa limang araw na goodwill visit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.