Mga kaso laban kay ex-Makati Mayor Junjun Binay, nakitaan ng probable cause ng Sandiganbayan

By Isa Avendaño-Umali April 20, 2017 - 10:43 AM

Junjun-Binay-0127Nakatakdang basahan ng sakdal ng Sandiganbayan si dating Makati City Mayor Junjun Binay, kaugnay sa kaso nito ukol sa umano’y overpriced na Makati City Parking Building.

Matapos makitaan ng probable cause ng anti-graft court 3rd division ang graft at falsification cases nito.

Ang petsa ng arraignment ay sa May 18, 2017, 1:30 ng hapon.

Samantala, hindi na nag-isyu ang Sandiganbayan ng arrest warrant laban kay Binay at mga kapwa akusado nito.

Matatandaan na naglagak na ang dating alkalde ng piyansa.

Nag-ugat sa umano’y anomalya sa pagpapatayo ng Makati City Parking building na nagkahalaga ng mahigit P2 Billion ang kaso ni Binay.

Pareho lamang din ng kinakaharap na kaso si dating Vice President Jejomar Binay.

TAGS: arraignment, dating Vice President Jejomar Binay, ex-Makati Mayor Junjun Binay, Makati City Parking Building anomaly, May 18, arraignment, dating Vice President Jejomar Binay, ex-Makati Mayor Junjun Binay, Makati City Parking Building anomaly, May 18

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.