Publiko, binalaan laban sa kagat ng aso ngayong summer season
Kasabay ng ginagawang pagbabakasyong ng mga kabataan ngayong summer season, naglabas ng babala ang Department of Health o DOH sa publiko hinggil sa kagat ng aso, o rabies.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial, ngayong panahon ng bakasyon, mas malaki ang tsansa na makagat ng aso ang mga bata dahil mas matagal ang nilalagi ng mga ito sa kanilang mga alagang aso.
Kaya naman payo ng kalihim ay tiyaking may bakuna ang mga alagang aso para matiyak ang kaligtasan ng mga taong kasama nito sa bahay.
Paalala din nito na huwag ding hayaang ng mga magulang ang kanilang mga anak na sobrahan ang paglalaro sa mga alagang aso dahil posible itong masaktan at manakit o mangagat.
Tiyakin din aniya na laging may tubig ang mga alagang aso at lagi itong presko para hindi maging iritable dahil gaya aniya ng tao ay ramdam din nito ang init ng panahon.
Sa oras naman na makagat ng aso ay importanteng banlawang ng malinis ng tubig ang sugat at sabunin bago takpan at agad dumiretso sa mga animal bite centers para sa rabies shots.
Babala pa ni Ubial, huwag na huwag maglalagay ng kahit anong ointment sa kagat ng aso at sa halip ay dumiretso na lang sa pinakamalapit ng animal bite center.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.