Lalaking nagpanggap na empleyado ng MMDA, arestado sa Pateros

pateros
Google Map

Arestado ang isang lalaki na wanted sa batas matapos magpanggap na empleyado ng MMDA sa Pateros.

Kinilala ang suspect na si Alvin De Jesus, 43-anyos, residente ng Caniogan, Pasig City.

Si De Jesus ay dinampot ng mga miyembro ng Pateros Police Station sa kasong usurpation of authority matapos magpanggap na isang kawani ng MMDA sa Brgy. San Roque.

Ayon sa Pateros Police, may ilan pang nakabinbin na warrant of arrest laban sa suspect na inisyu ng Pasig RTC, at isa rito ay may kinalaman sa iliga na droga.

Read more...