Police EPD na umanoy naaktuhan gumagamit ng shabu sa isang bahay sa Antipolo, arestado

By Ricky Brozas April 20, 2017 - 09:13 AM

antipolo city
Google Maps

Isang police naka-destino sa Eastern Police District ang nakakulong ngayon sa detention cell ng Antipolo City PNP headquarters

Itoy matapos arestuhin ng mga kabaro sa ikinasang anti-drug operation dahil sa umano’y gumagamit ng shabu.

Kinilala ni Senior Superintendent Alberto Ocon ng Taytay PNP isa sa operatiba ng pinagsanib na pwersa ng Drug Enforcement Unit ng Rizal PPO at Philppine Drug Enforcement Agency ( PDEA)

Ang arestadong pulis na si SPO2 Roman Domingo Jr., Desk Officer ng Eastern Police District.

Ayon sa report, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba mula sa kanilang impormant na ang suspect ay nakitang gumagamit ng shabu.

Dahil dito’y agad nagsagawa ng follow-up operation sa isang bahay sa Sitio Hinapao Antipolo City kung saan nakitang gumagamit ng shabu ang unipormadong si SPO2 Domingo.

Nakumpiska kay Domingo ang isang plastic sachet na may butil ng shabu, drug paraphernalia’s, police, I.D at driver’s license.

Pero sa kabila ng nakumpiskang ebidensyang shabu, itinatanggi ni SPO2 Domingo na siya’y gumagamit at nagtutulak ng droga.

TAGS: Antipolo, Antipolo City PNP, Desk Officer, epd, PDEA, Rizal, Senior Superintendent Alberto Ocon, Sitio Hinapao, SPO2 Roman Domingo Jr., Taytay PNP, Antipolo, Antipolo City PNP, Desk Officer, epd, PDEA, Rizal, Senior Superintendent Alberto Ocon, Sitio Hinapao, SPO2 Roman Domingo Jr., Taytay PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.