AFP, natuwa sa alok na pabuya ni Pangulong Duterte laban sa Abu Sayyaf

Restituto-PadillaWelcome sa Armed Forces of the Philippines ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na tig-isang milyong piso para sa bawat miyembro ng Abu Sayyaf sa Bohol na maisusuplong sa otoridad.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, ikinalulugod at ipinagpapasalamat nila ang hakbang na ito ni Duterte.

Umaasa aniya sila na sa ganitong paraan ay maengganyo ang publiko na matulungan sila sa mas mabilis na pagkakahuli sa mga bandido.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang mga operasyon ng militar upang mahagilap ang mga natitira pang miyembro ng bandidong grupo.

Nagpakalat na rin sila ng mga flyers upang matulungan sila ng mga residente na mahanap ang mga ito.

Matatandaang sa naganap na bakbakan sa Inabanga, Bohol noong nakaraang linggo, anim na miyembro ang nasawi, pati na ang tatlong sundalo at pulis.

Read more...