ERC Chairman Jose Vicente Salazar, inireklamo ng mga kasamahan

salazar edited aug 5Kinasuhan ng mga commissioners ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang kanilang chairperson na si Jose Vicente Salazar dahil umano sa dishonesty, oppression at grave misconduct.

Sa reklamong inihain nina commissioners Alfredo Non, Gloria Victoria Yap-Taruc, Josefina Patricia Magpale-Asirit at Geronimo Sta. Ana sa Civil Service Commission, inakusahan nila si Salazar pagtatalaga sa ilang mga opisyal nang lingid sa kaalaman ng kaniyang mga kasamahan.

Partikular nilang binatikos ang pag-appoint ni Salazar kay Ronaldo Gomez, Chief Energy Regulation Officer sa Mindanao, bilang officer in charge executive director habang siya ay naka-leave.

Pinuna ito dahil mayroon dapat siyang sundin na order of priority sa mga opisyal, na nakalinya na para humalili sa kaniya kung kailangan.

Itinalaga rin ni Salazar ang kaniyang pinsan na si Estebal Lorenzo Jose Rivera bilang kaniyang head executive assistant, na may hawak sa isang co-terminus position.

Dahil sa ginawang ito ni Salazar, na-bypass niya ang mga direktor na nakasunod sa kaniya, na isang paglabag sa Anti-Red Tape Act, pati na ang CSC Memorandum Circular No. 6 series of 2005.

Iginiit ng mga commissioners na dapat masuspinde si Salazar upang maiwasan ang pakikialam nito sa ebidensya habang may nakabinbin na kaso laban sa kaniya.

Read more...