Reuters report tungkol sa bayad sa EJKs, itinanggi ng PNP

By Kabie Aenlle April 20, 2017 - 04:36 AM

Inquirer file photo

Walang pera ang Philippine National Police (PNP) para maging makatotohanan ang special report ng Reuters na nagsasabing tumatanggap ng bayad ang mga pulis para pumatay ng mga suspek at magtanim ng ebidensya laban sa mga ito.

Mariing itinanggi ni PNP spokesperson Dionardo Carlos ang nasabing ulat ng Reuters na nakakatanggap umano ng mula P10,000 hanggang P5 milyon ang mga pulis sa pagpatay sa mga suspek sa iligal na droga at iba pang krimen.

Gayunman, sinabi ni Carlos na iniimbestigahan na nila ang mga seryosong alegasyon ibinato sa kanila sa nasabing ulat, at nais din aniya nilang makuha ang pinagmulan ng ulat na ito.

Dagdag pa ni Carlos, masyadong mataas ang mga halagang nabanggit dito, at aniya, sa kabila ng pagiging iligal ay malinaw naman na wala silang sapat na pondo para gastusan ang mga ganitong bagay.

Iginiit din niyang walang ginagawa ang PNP na ganitong uri ng operasyon, at wala rin namang kautusan tungkol dito.

Ani pa Carlos, masyado nang mahirap para sa mga pulis na magtanim ng ebidensya, hugutin ang mga security cameras at patayin ang mga street lights sa kanilang mga anti-drug operations para lang pumatay ng suspek.

Sa report kasi ng Reuters, dalawang senior police officials ang pinanggalingan ng kanilang impormasyon – isa ay isang retiradong intelligence officer at isang aktibong duty commander.

Sinabi umano ng mga nasabing sources na pinapatay talaga ng mga pulis ang mga drug suspects.

Naglabas pa umano ng 26-pahinang unpublished report ang retired intelligence officer tungkol sa drug war ng administrasyon.

Umaasa ang PNP na makakuha sila ng kopya ng nasabing report, pati na ang transcript ng interviews ng dalawang nasabing pulis opisyal.

Sa ganitong paraan aniya ay matutukoy nila ang pagkakakilanlan ng mga ito, pati na ang kanilang motibo.

Hinimok naman niya ang dalawang pulis opisyal na lumutang at maghain ng pormal na reklamo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.